Noong nakaraang linggo ay pinag-usapan natin kung ano ang business website at kung ano ang mga dapat na nilalaman nito.
Ngayon naman ay tatalakayin natin kung papaano aayusin ang mga content sa isang website.
Tulad ng brochure, ang isang website ay mayroon ding pages. Ang bawat page ay dapat mayroong specific na purpose at nilalaman. Narito ang mga common na pages na dapat mayroon ang isang business website:
1. Home Page - ang home ay ang pinakacover page ng website mo. Ito at tinatawag rin na "landing page" dahil ito ang unang makikita ng mga bibisita sa website mo.
a. Name and logo of business. Dito sa home page dapat makita ang pangalan at logo ng iyong negosyo. Dapat itong nasa pinakaprominenteng puwesto (sa taas) upang makita agad ng bibisita sa website mo na tama ang website na napuntahan niya. Ilalagay mo rin ang logo at business name mo sa lahat ng pages mo kaya dapat rin ay pareho ang logo at font style ng pangalan sa website mo sa kasalukuyan mong ginagamit na design sa iyong physical na shop. Ito ay para ma-establish ang look ng business mo at magkaroon ng recall sa customers. Kung napansin mo ngayon na baduy o kaya ay hindi pala akma sa negosyo mo ang logong ginagamit mo, then it's about time for you to make a new one. Pwede kang magpadesign sa mga fine arts students. Marami ring nag-aalok ng logo design sa internet.
Note: Merong isa pang purpose ang logo. Ito ay maaaring gawing link pabalik sa home page. Kapag nasa ibang page ng website mo ang iyong visitor, iciclick lang nya ang logo at babalik na sya sa home page.
b. Tagline - Dito mo na rin ilalagay ang maiksing paglalarawan tungkol sa iyong negosyo. Ito ay tinatawg na tagline. Kumbaga sa pelikula, ito ay ang iyong subtitle na nagsasabi in as few words as possible what your business is all about.
c. Photos. Dahil ito ay ang cover ng iyong website, dapat mo rin itong lagyan ng kaaya-ayang larawan ng iyong shop o kaya ng iyong pinakapopular o pinakabagong produkto o serbisyo kasama ng maiksing description tungkol sa product. Pwede rin lagyan ng slideshow ng mga pictures. Medyo kailangan ng pag-aaralan mabuti kung paano gawin ito or sabihin sa iyong web designer na gusto mo ng ganito. Please click thairoyalspa.com for sample.
d. Promos. Maaari ka ring maglagay dito ng poster tungkol sa mga promo, discount o freebies na kasalukuyan mong inaalok sa iyong shop.
Sa ganitong paraan, maeenganyo mo kaagad ang bisita sa iyong website na bumili o pumunta sa shop mo para makuha ang iyong mga promo.
e. Maganda ring lugar ito para sa naihanda mong documentary video tungkol sa negosyo mo. Ang video ang isa sa pinakamadaling paraan para ipakilala ang isang negosyo sa mga tao. Maaari pang ilagay sa youtube ang naturang video.
f. Facebook, Twitter, Pinterest etc. icons. Kung merong account ang iyong business sa mga naturang social media sites, puwede mong ilagay ang link ng mga iyon sa iyong home page. Kapag nag-click sila sa facebook icon ay mapupunta sila sa facebook page ng business mo at maaari nilang i-like iyon.
2. Products/Services - Dito sa page na ito ilalagay ang larawan ng iyong mga produkto o kaya ay ililista ang mga serbisyong inaalok mo sa iyong negosyo. Maaari mong ilagay rito ang presyo ng iyong mga produkto at serbisyo upang mas madaling makapagdesisyon ang bisita sa website mo kung bibilhin niya ang inaalok mo. Kung ayaw mo naman ilagay ang presyo ng iyong mga paninda (marahil dahil nag-aalala ka naman na baka makita ng mga kakumpetensiya mo ang presyo ng mga produkto mo at magamit nila ang impormasyong iyun para daigin ang negosyo mo), maaari kang magbigay na lamang ng range.
Halimbawa: Pagsasamasamahin ang larawan ng mga damit na halos magkakapareho ng presyo at ilagay ang range: Available at P2,000 to P4,000.
Puwede rin namang hindi ilagay ang presyo, depende sa strategy mo. O kaya ay maglagay ka ng ganitong note:
To know the prices or for any inquiries or orders, please call or text us at 0910Xxxxxxx or send us an email at forevermoreboutique@gmail.com.
3. About Us
Dito mo maaaring ibahagi kung paano nag-umpisa at ano ang nagsilbing inspirasyon sa iyo upang pasukin ang iyong negosyo. Kadalasan dito rin ikinukuwento kung sino-sino ang mga pangunahing personalidad na nag-umpisa o tumulong sayo sa pag-uumpisa at mga kasalukuyang katuwang mo sa pagpapatakbo ng negosyo. Mahalag ito dahil may mga bagong customer na gusto malaman ang pinagmulan ng isang negosyo bago siya magtiwala at kunin ang serbisyo nito.
4. Gallery - Ang kadalasang laman nito ay mga karagdagang pictures na maaaring maging interesante sa iyong mga kliyente. Halibawa ay mga larawan ng inyong business launch or opening day, ng inyong anniversary, ng mga kilalang personalidad na nagpunta sa store ninyo o testimonials mula sa inyong mga suki.
5. Contact Us
Ito ang lugar para sa iyong address, contact number, email address at map papunta sa iyong negosyo. Maaari ring maglagay ng email box o form upang doon makapag-type ng mensahe ang iyong kliyente at agad itong maipadala sa iyo.
So again, ang mga important page ng isang website ay ang Home, Products/Services, About Us, Gallery at Contact Us. Next topic naman natin ay paano gumawa ng website at paano ito ilalagay sa internet. Of course ang pag-aaralan natin ay iyung libreng website creator lang na madaling gamitin. Hindi dito kailangan ng advanced knowledge sa paggawa ng website at walang bayad.
If you want to read my previous article about websites, here it is: Kailngan ba talaga ng business mo ng website?
Hanggang sa muli! :-)
No comments:
Post a Comment